TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO!
HOME
MGA BAGO
MGA ARALIN
MGA AKTIVITI
TUNGKOL SA AMIN
ANG TANAGA


  Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku.
  Ano ang tanaga? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at puno ng talinghaga.
MGA HALIMBAWA:
SIPAG:
Magsikhay nang mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari

IKAW LANG:
Dasal ko sa Bathala
Sana�y makapiling ka sa
luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla


BACK<<

Copyright � 2014 by Kadipan
All Rights Reserved